Advertisers
Nagreklamo ang isang motorista laban sa taong nanghiram ng kanyang dalawang motorsiklo mula sa Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City.
Kinilala ang nagreklamo na si Jose Romeo S. Ko.
Ayon kay Ko, nabawi niya na ang dalawang motorsiklo ( KMX Kawasaki at YZ Yamaha) kamakailan pero nadismaya siya nang malaman na may mga nawalang piyesa dito.
Isang Benjamin Estropia ng Barangay Sta. Monica ang nanghiram sa kanya para umano sa karera noong Enero 2020 subali’t dahil sa pandemya hindi natuloy ang motocross.
Paliwanag umano sa kanya ni Benjamin na nasa shop lang nito ang mga nawawalang spare parts at iti-turn over na lang daw sa barangay pero hanggang ngayon hindi pa ito naibabalik.
Iginiit ni Ko na dapat ibalik sa dating itsura ng kanyang motorsiklo dahil kung hindi itutuloy niya ang reklamo kay Benjamin sa barangay.