Advertisers

Advertisers

SI PAQUITO OCHOA NGA BA ANG GUMAPANG PARA SA 1-M BAIL NI VHONG NAVARRO?

0 256

Advertisers

Maugong ang usap-usapan sa social media na itong matikas na miyembro ng tinaguriang “KITCHEN CABINET” ni PBBM na si Atty. Paquito Navarro Ochoa ang siyang nasa likod o GUMAPANG para pagkalooban ng piyansa ng Taguig RTC Branch 69 ang aktor na si Vhong Navarro.

Sa desisyon ni Judge Lorallie Cruz Datahan ng Taguig RTC Branch 69,pinahintulutan ng nasabing hukuman na makapagpiyansa ang aktor na si Navarro ng isang milyong piso.

Ayon kay Judge Datahan, walang matibay na ebidensiya na isinumite ang prosecution para masabing guilty ang aktor na si Navarro sa kasong rape na isinampa ng model na si Denice Cornejo.



Ito ang naging basehan upang payagan ang aktor na pansamantalang makalaya habang dinidinig ang kanyang kasong rape.

Lumutang naman ang mga espekulasyon na si Ochoa nga ang lumakad na mapagkalooban ng piyansa si Vhong na kanyang pamangkin makaraang ibulgar ng isang Kat Alano na si Ochoa rin ang tumulong sa aktor na pamangkin para mabasura ang kasong rape na isinampa rin nito laban Kay Vhong Navarro makaraang mangyari ang umano’y panggagahasa kay Denice Cornejo noong 2014.

Si Kat Alano po ay isa ring artista na umano’y hinalay din ng aktor.

Isa pa umanong complainant ang lumutang laban Kay Navarro na nagngangalang Roxanne Acosta.

Kung ganito pala na may tatlong complainants si Vhong Navarro para sa kasong panggagahasa ( serial rape),makatwiran at makatarungan bang palayain ito sa bisa ng piyansa?

Ang kasong rape po ay literal na non-bailable offense o krimen.



May exception po kung ang mga ebidensiya laban sa suspect o akusado ay masasabing mahina.

Paanong masasabing mahina ang kasong rape versus Vhong Navarro kung ang mismong Court of Appeals ang nagsasabing may prima facie evidence laban sa aktor?

Sa ating bansa po ay tila sadyang nakakiling ang batas sa may mga pera,maimpluwensiya at sikat.

Kung naging ordinaryong mamamayan kaya si Vhong Navarro,mabigyan din kaya ito ng temporary liberty sa bisa ng piyansa?

Mukhang napakalabo po hindi po ba?

Kung mahirap ka,mabubulok ka na lang sa kulungan.

Paano na tayong mga isang kahig at isang tuka?

Magpatuka na lamang sa cobra?

Asan ang hustisya dito?

Nang dahil sa pera,basta na lamang ba palayain ang isang inaakusahang “serial rapist” dahil may padrino at kuwarta?

Hindi po tayo kumikiling kanino man dito sa kasong ito ha?

Ang kinukuwestiyon lamang natin ay ang posibleng pagmamaniobra ng ilang ” persons in power” gaya ni Ochoa sa kaso ng kanyang pamangkin na si Vhong Navarro.

Gaya ng kaso rin sa droga ng anak ni Secretary of Justice (SOJ) BONDYING este Boying Remulla pala.

Na makaraang magbigay ng public pronouncement na hinding hindi ito makikialam sa kaso ng kanyang anak out of DELICADEZA ay bigla na lamang nasibak sa puwesto ang hepe ng PDEA na si Director General Wilkins VILLANUEVA na sumakote sa batang Remulla.

Ang point po natin at ng mga neitizens,bakit patuloy na nagkakaganito ang hustisya dito sa ating bansa?

Nakakiling sa mga may pera at kapangyarihan.

Going back sa kaso ni Vhong Navarro,hindi po ba napakalaking inhustisya ito sa mga biktima?

At sa ating mga Pilipino na rin na umaasam ng pantay- pantay na pagtrato at protekston sa batas.

Hanggang kailan ba iiral ang nakakapangyaring BULOK na sistemang ito?

Nagtatanong lamang po!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More