Advertisers

Advertisers

BOC kinasuhan ang consolidators at deconsolidators na nag-abandona sa libu-libong Balibakan boxes ng OFWs

0 137

Advertisers

NAGSAMPA na ng kasong kriminal ang Bureau of Customs (BOC) laban sa consolidators at deconsolidators na nag-abandona ng humigit kumulang 7,000 Balikbayan boxes mula sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Base sa datos ng BOC at sa mga natatanggap na reklamo mula sa OFWs, kabilang sa mga consolidator na nag-abandona ng Balikbayan boxes ay ang All Win Cargo LLC, Island Kabayan Express Cargo LLC, Carlos Martin Guinto Co., GM Multi Services, at Anhar Al Mawalah Trading. Ang kanilang deconsolidators ay ang mga sumusunod: CMG Int’l Movers and Cargo Services, Cargoflex Haulers Corp., FBV Forwarders and Logistics, Inc., at Etmar Int’l Logistics.

Para sa mga OFW na naging biktima ng mga nasabing kumpanya, maaari kayong makipag-ugnayan sa BOC para patibayin ang mga kaso laban sa mga nasabing mapagsamantalang consolidator at deconsolidator. Maaaring mag-email sa batas@customs.gov.ph, ilagay ang [BALIKBAYAN BOXES] bilang email subject, at ibigay ang inyong contact details para sa mas mabilis na pakikipag ugnayan.



Kaugnay nito, muling pinapaalalahanan ang lahat ng OFWs na maging maingat sa pagpili ng forwarding companies na gagamitin sa pagpapadala ng inyong Balikbayan boxes.

Para sa iba pang detalye at katanungan, tumawag sa BOC-CARES Hotline (02) 8705-6000.