Advertisers

Advertisers

Grupo ng taxi driver na holdaper ng mga foreigner nabuwag ng NBI

0 93

Advertisers

NADAKIP ng National Bureau of Investigation (NBI) ang grupo ng mga holdaper na nambibiktima ng pasahero ng mga taxi na karamihan ay foreigners sa Maynila at mga kalapit na lungsod.

Sa isang press statement, kinilala ng NBI-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang mga nadakip na sina Darryl Sunga Eugenio alias Darryl, Ryan Davantes Espadero alias Bombay, at Ramil Mercado Talampas alias Ramil.

Ang pagkaaresto sa mga ito ay matapos makatanggap ng impormasyon ang NBI-AOTCD tungkol sa robbery na ginagawa ng grupo ng taxi drivers na pinamumunuan ni alias “Darryl”.



Sa ginawang imbestigasyon at serye ng intelligence operations ng NBI-AOTCD, napag-alaman na ang grupo ng mga holdaper ay nambibiktima ng foreign nationals na pasahero ng taxi mula 12:00 ng hating-hanggang 4:00 ng umaga.

Ang mga holdaper, sabi ng NBI, ay gumagamit ng tatlong taxi para sa kanilang panghoholdap.

Nakatanggap ng impormasyon ang NBI-AOTCD na ang grupo ay magsasagawa ng panghoholdap sa lungsod ng Maynila, kaya nagplano ang mga ahente ng gobyerno na madakip ang mga holdaper.

Namataan ng mga operatiba ng NBI-AOTCD ang target na taxi cabs na nakaparada sa kahabaan ng Madre Ignacia St. corner Quirino Avenue, Malate sa Maynila. Kaagad itong pinaikutan ng mga operatiba at naaresto sina Eugenio, Espadero, at Talampas. Nasamsam sa mga ito ang isang pistola na puno ng bala, isang granada, isang revolver na puno ng bala, at kanilang mga ID.

Na-inquest na ang mga ito at nakakulong.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More