Advertisers

Advertisers

Batang kriminal na No. 1 most wanted sa MIMAROPA timbog

0 173

Advertisers

NADAKIP ng mga operatiba ng MIMAROPA ang bagitong No. 1 most wanted sa rehiyon sa operasyon sa Paranaque City noong December 1, 2022.

Ang batang kriminal ay kinilalang si Rodel Dela Peña Ulan, 19 anyos, tubong Sitio Bacoron, Barangay Apitong, Naujan, Oriental Mindoro, na nahuli ng ng mga operatiba ng Regional Anti-Cybercrime Unit MIMAROPA at Naujan Municipal Police Station, sa suporta ng Coast Guard Station Oriental Mindoro, sa harapan ng Grand West Side Hotel, Bay Boulevard, Bagong Nayong Pilipino sa Parañaque City.

Si Ulan ay may mga warrants of arrest mula sa Family Court, Branch 12 sa Naujan, Oriental Mindoro sa mga kasong Grave Coercion na may piyansang P36,000.00; 2 counts Robbery with Violence Against o Intimidation of Persons na may piyansang P100,00.00 per count; 11 counts Acts of Lasciviousness na may piyansang P108,000.00 per count; at 11 counts Anti-Child Pornography na may oiyansang P200,000.00 bawat isa.



Si Ulan ay nakatakdang iharap sa korte na nag-isyu ng arrest warrants.