Advertisers

Advertisers

OPISYAL, 2 AGENTS NG PDEA TIMBOG SA BUY BUST SA MISMONG OPIS NG PDEA!

0 127

Advertisers

ARESTADO ang isang opisyal at dalawang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City, Martes ng gabi.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina PDEA Southern District Office chief Enrique Lucero, at dalawang agents Anthony Vic Alabastro at Jaireh Llaguno.

Ang kanilang driver na si Mark Warren Mallo ay inaresto rin.



Sinabi ni Sothern Police District chief, Brigadier General Kirby Kraft, na ang items na nasamsam kina Lucero ay isang kilo ng shabu, 4 na baril, isang weighing scale, at ang buy-bust money.

Ayon sa police report mula kay Kraft, nagkakahakaga ng P9.18 million ang droga na nasamsam kina Lucero, na hindi na nagbigay ng anumang statement sa pagkadakip sa kanila.

Hindi na ibinunyag ni Kraft ang mga detalye sa ginawa nilang operasyon, na joint operation ng PDEA at pulisya, dahil may mga ginagawa pa silang follow-up operation.

Sinabi naman ng bagong PDEA director general na si Moro Virgilio Lazo: “Tulungan kami dito sa trabaho namin to…this campaign against illegal drugs and we agreed na wala ano dito…no sacred cows.”(Mark Obleada/Gaynor Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More