Advertisers
MAGSISIMULA ang rape trial ni Ferdinand “Vhong” Navarro sa Pebrero 2023 hanggang 2024.
Inaakusahan si Navarro ng panggagahasa sa modelong si Deniece Cornejo noong Jan. 17, 2014 sa loob ng kanyang condominium unit sa Taguig City.
Pinalaya ang 45-anyos na komedyante mula sa Taguig City Jail Male Dormitory nitong Dec. 6 matapos payagan ng korte na makapagpiyansa ng P1 milyon na itinakda ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 69.
Pinayagan ng korte ang ‘petition for bail’ ni Navarro, at humatol na “viewed in light of all the foregoing, and taking the evidence presented in the bail hearings as a whole, this Court is not convinced at this point, that there exists a presumption great leading to the inference of the accused’s [Navarro’s] guilt.”
Sa ‘order of release’ mula sa detention para kay Navarro nitong Dec. 6, itinakda ni Presiding Judge Loralie Cruz Datahan ang petsa ng ‘rape trial’ na gugulong sa loob ng 21 buwan o hanggang 2024.
Ipinag-utos ng hukom na ikasa ang presentasyon ng ‘prosecution’s evidence-in-chief’ simula Feb. 16, 2023, ang unang trial date.
Para naman sa kampo ni Navarro, ipe-presenta nila ang ebidensya mula May 16, 2024 at sa lima pang petsa hanggang Nov. 14, 2024.
Ilang beses itinanggi ni Navarro na ginahasa niya si Cornejo.