Advertisers
AGAW-PANSIN ang Christmas tree sa Tagoloan Municipal Police Station sa Misamis Oriental.
Gawa ang Christmas tree ng police station sa mga na-impound na mga motorsiklo na mahigit sampung taon nang nakatambak sa kanilang compound dahil hindi kinukuha ng mga may-ari.
Para umano malinis ang lugar, at maipadama ang diwa ng Pasko, ginawa nila itong Christmas tree.
Mukhang ordinaryo lamang umano sa araw ang Christmas tree, pero pagdating ng gabi lumilitaw na ang ganda nito kapag pinailawan na.