Advertisers

Advertisers

PAGLABAS PASOK NI EX-SPEAKER ROMUALDEZ SA SELDA KITA SA CCTV NA MAY VIP TREATMENT?

0 39

Advertisers

Itinanggi parin ng Malacañang ang alegasyong palihim na nakalalabas ng kulungan si dating House Speaker Martin Romualdez habang pinapatay umano ang mga ilaw upang hindi ito makunan ng CCTV subalit may ilang kuha umano na nahagip na naglalakad ang mambabatas paakyat sa isang hagdanan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang naitalang pagkawala ng kuryente o aberya sa CCTV ng Quezon City Jail Male Dormitory sa nakalipas na isang buwan, batay sa ulat ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.

Wala rin umanong rekord ng paglabas ni Romualdez sa pasilidad, maliban sa pagdalo nito sa pagdinig sa Sandiganbayan noong Oktubre 12.



Hinamon naman ni Castro ang mga nagpapakalat ng alegasyon na personal na suriin ang CCTV footage ng kulungan upang makita kung may naganap na iregularidad.

Kinuwestiyon din ng Palasyo ang pagpapakalat ng mga impormasyong anila’y walang sapat na batayan at nakasisira sa kredibilidad ng mga ahensiyang nagpapatupad ng batas.



Samantala Buo pa rin ang tiwala ng Malakanyang sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa kabila ng alegasyon ng veteran broadcaster na si Mon Tulfo kaugnay ng umano’y iregularidad sa kustodiya at espesyal na pagtrato kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Ikinasa na ang imbestigasyon kasunod ng mga alegasyon ni Tulfo hinggil sa di umano’y iregularidad sa kustodiya at espesyal na pagtrato kay Romualdez.



Ayon sa pahayag mula kay BJMP Spokesperson at Jail Superintendent Jayrex Bustinera, wala ring naitalang paglabas ng pasilidad ni Romualdez sa panahong sinuri sa CCTV footage.

Matatandaang sinabi ni Tulfo sa isang Facebook post na pinapatay ang buong kuryente sa kulungan para masabing brownout, para hindi makuhanan ng CCTV ang umano’y paglabas at pagpasok ni Romualdez sa kulungan, gamit ang backdoor stairs at waiting ambulance pagbaba ng hagdan ayon umano sa kaniyang source.

Subaybayan natin!

***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com