Advertisers
Personal na pinuntahan kagabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang halos 200 pamilya na nasunugan kahapon, Nobyembre 4, 2026, sa Barangay 157 Apelo Cruz Pasay City para magpaabot ng tulong.
Bukod sa relief goods, malinis na inuming tubig at ready to eat meals katuwang ang barangay officials, namigay din ang alkalde ng mga basic necessities, beddings, toletries at iba personal belongings sa 656 individuals na nasa Evacuation Center sa T. Paez Elementary School. Pinatitiyak din ng Punong Lungsod sa PSWDD at sa iba pang tanggapan na gawing maayos at komportable ang pansalantalang sisilungan ng mga nasunugan. (RONALD BULA)