Advertisers

Advertisers

SK kagawad, 3 pa patay sa pagsalpok ng motorsiklo

0 165

Advertisers

NASAWI ang isang SK kagawad at tatlo pang katao sa magkahiwalay na aksidente ng motorsiklo sa Bataan.

Ayon sa Bataan Provincial Police Ofice, naganap ang mga aksidente sa Barangay Roosevelt at Luakan sa Dinalupihan.

Sa report ng Bataan PNP, nasawi sina SK Kagawad Josua Garcia, 26 anyos, ng Barangay Layac; at ang kanyang backride na si Jayson Valmadrid, residente ng Barangay Sto. Nino.



Sa ulat, sumalpok ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima sa isang kotse sa national road ng Brgy. Luacan 1:30 ng madaling-araw nitong Miyerkoles.

Kinustodiya ng Dinalupihan Police ang driver ng nakabanggang kotseng Mazda na si Oliver Del Rosario, 26.

Samantala, sa naunang aksidente, nasawi sina Noel Ebanculla, 26, taga-Olongapo City; at ang backride na si Louie Gurierrez, 39, ng Barangay Colo, Dinalupihan, nang makasalpukan ng kanilang motorsiklo ang

isang wing van sa national road sa Brgy. Roosevelt, Linggo ng gabi.

Nagtamo ng pinsala ang dalawa at kapwa dead-on-arrival sa ospital.



Naaresto ang driver ng truck na si Pedro Ceniza, 42 ng Malinta Valenzuela, Metro Manila at sinampahan na ng kaso.