Advertisers

Advertisers

UTANG NG PINAS P13.64-TRILLION

0 193

Advertisers

INANUNSYO ng Bureau of the Treasury (BTr) na nadagdagan pa ang utang ng bansa sa buwan ng Nobyembre.

Ayon sa Bureau of Treasury, nasa P13.64 trilyon na ang kabuuang utang ng gobyerno.

Tumaas ito ng P3.15 bilyon kumpara sa utang ng bansa noong katapusan ng Oktubre.



Sinabi ng BTr, nakatulong ang pagtaas ng halaga ng piso kontra dolyar para hindi mas lumaki ang utang ng national government sa naturang buwan.

Samantala, sinabi rin ng Bureau of Treasury na kung ikukumpara sa utang ng pambansang gobyerno sa pagtatapos ng taong 2021, mas mataas ang kabuuang utang nitong Nobyembre ng P1.92 trilyon.

Nabatid na noong Nobyembre, unang bumagsak sa P56.6 ang halaga ng piso kontra dolyar, mula P58.04 noong Oktubre.