Advertisers

Advertisers

Kim tadtad ng pasa at galos sa skiing sa Switzerland

0 155

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

LEARNING it the hard way ang peg ni Kim Chiu nang mag-aral siyang mag-skiing sa Switzerland kung saan sila nag-spend ng New Year’s Eve ng boypren na si Xian Lim. Dahil sa wala naman snow sa Pinas ay nag-take advantage si Kim na subukan matutong mag-skiing. Ang ending, tadtad ng pasa at galos ang kanyang katawan.
Gayunpaman, tila dinaan pa ni Kim sa hugot ang sakit na natamo sa pamamagitan ng pag-post sa sariling social media account. Aniya; “Masakit lang pag nahuhulog, may sugat pero ganun talaga pag nadadapa tayo kailangan natin tumayo kaagad, life goes on and time won’t wait for you. Yung mga sugat yan yung mga magpapatapang sa atin along the way. Sa buhay pag nadadapa tayo kailangan lang natin tumayo agad and wag mawawalan ng pag asa, wala namang madali sa buhay, lahat pinaghihirapan pag nagawa mo na, dun mo maappreciate yung pinaghirapan mo and masasabi mo na ang saya pala, buti di ako sumuko.”
Say pa nga ni Kim na muntik na rin siyang nagalusan sa kanyang mukha mabuti na lang nakaiwas siya at sa baba na lang siya nagkaroon ng minor bruises.
***
AT 32 years old ay masasabing matured enough na si Aaron Villaflor na magpaka-daring sa mga project na ginagawa niya. Marami kasi sa mga nakasunod sa kanyang karir ay tila hindi pa rin makapag-move-on sa pagiging child actor ni Aaron noon.
Unang sabak ni Aaron sa daring project ay sa serye nila ni Rhen Escano na “Secret of a Nymphomaniac” at ngayon nga ay sa movie na “Nightbird” kasama sina Christine Bermas, Sid Lucero, Mark Anthony Fernandez at Felix Roco, sa direksyon ni Law Fajardo. And will start streaming comes January 13 in all Vivamax apps.
Sa naturang movie ay kapansin-pansin na nasasanay na rin si Aaron sa mga hubaran kaya diretsahan siyang natanong kung darating din ba siya sa puntong magkakaroon na rin ng frontal nudity?
“Bakit hindi? Gaya nga ng sinabi ng ibang veteran actors natin, kapag kinakailangan siguro, puwede namang gawin. It should be for the right movie.
But I’m praying sana hindi tayo umabot sa ganun. Kasi wala na akong ipapakita sa inyo. Kapag nakita n’yo na, wala ng excitement,” say ni Aaron.
“Nightbird” follows the story of Rachel who goes to a bar to have a good time with friends. There they meet four strange, handsome men who they party with and give them a night they won’t forget. What was supposed to be a party only filled with alcohol and high spirits ends on a bad note after the strange men molest Rachel and her friends. Rachel might seem silent but she’s deadly.