Advertisers

Advertisers

BuCor itinanggi ang ‘solicitation letter para sa PDL

0 175

Advertisers

ITINANGGI ng Bureau of Corrections (BuCor) na may pinayagan itong grupo para mamahagi ng solicitation letter para sa programa ng mga person deprived of liberty (PDL).

Sa isang post sa kanilang social media page, sinabi ng BuCor na pirmado ng isang Rolando R. Camogao, umano’y dating PDL at founding chairperson ng ‘Rehab Society Association, NBP Reservation, Zamboanga Peninsula, ang solicitation letter.

Para umano ito sa gastusin sa mga programa ng mga PDL sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City.



Pero sinabi ng BuCor na wala silang koneksyon sa nasabing grupo at lalong hindi sila nagpapahingi ng pera sa mga pribadong indibidwal at kompanya para sa mga PDL.

Nanawagan ito sa publiko na ipagbigay-alam sa kanila sa pamamagitan ng kanilang email sa Facebook:@piobucorofficial, Email: pio@bucor.gov.ph sakaling tangkain silang biktimahin ng mga scammer.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">