Advertisers

Advertisers

Mga himala sa lindol sa Turkey at Syria: Rebulto ng Birheng Maria ‘di natinag, 2 buwan baby, 4 anyos, buntis nasagip na buhay

0 192

Advertisers

ININOM ng 17-anyos na lalaki ang kaniyang sariling ihi upang maka-survive sa pagkakadagan ng gumuhong gusali sa magnitude 8 na lindol sa Turkey at karatig-bansa ng Syria.

Sa ulat, 94 oras na-trap ang binatilyo na hindi pinangalanan. Bukod sa pag-inom sa sarili niyang ihi, kinain din nito ang bulaklak ng kaniyang pamilya upang maka-survive.

Matapos ang apat na araw, nailigtas ang binatilyo.



Himala namang nahugot nang buhay ng mga rescuer ang dalawang buwan-gulang na sanggol, at isang matandang babae mula sa mga gumuhong gusali nitong Sabado, limang araw matapos ang lindol na nagpadapa sa Türkiye at Syria na kumitil na ng nasa 25,000 katao.

Sampung libong mga lokal at internasyonal na rescue workers ang patuloy na nagsusumikap maghanap ng mga nalalabing buhay sa mga gumuhong gusali sa kabila ng pagyeyelo ng panahon na nagpadagdag sa paghihirap ng milyun-milyong biktima ng lindol.

Itinigil ng mga sundalong Austrian at mga rescuer ng Aleman ang kanilang paghahanap sa southern Hatay, habang binanggit ang isang mahirap na sitwasyon sa seguridad at mga sagupaan sa pagitan ng mga lokal na grupo.

Sa gitna ng labis na pagkawasak at kawalan ng pag-asa, ang mga himalang kwento ng kaligtasan ang patuloy na lumilitaw.

“Nandiyan ba ang mundo?”, tanong ng 70-anyos na si Menekse Tabak habang hinihila siya palabas mula sa mga guho sa katimugang lungsod ng Kahramanmaras, ang sentro ng 7.8-magnitude na pagyanig noong Lunes, na nagpapalakpak at nagsusumigaw para papurihan ang Diyos, ayon sa isang video na ibinahagi sa broadcaster ng estado na TRT Haber.



Sa lungsod ng Antakya, isang dalawang buwan gulang na sanggol ang natagpuang buhay 128 oras pagkatapos ng lindol, iniulat ng state news agency na Anadolu.

Isang dalawang taon gulang na babae, isang anim na buwang buntis, kasama ang isang apat na taon gulang at ang kanyang ama ang kabilang sa mga nailigtas din limang araw pagkatapos ng lindol, iniulat ng Turkish media.

Samantala, sa timog bahagi ng Türkiye, ang magkakapamilya ang namataang nagyakapan sa huling hantungan sa isang cotton field na ginawang sementeryo na tila walang katapusang bangkay ang dumarating para agad na mailibing.

Nagpapalubha ng mabigat na pagdadalamhati, nagbabala ang United Nations na hindi bababa sa 870,000 katao ang apurahang nangangailangan ng mainit na pagkain sa buong Türkiye at Syria. Sa Syria lamang, hanggang 5.3 milyong tao ang maaaring nawalan ng tirahan.

Isang tawiran naman sa hangganan sa pagitan ng Armenia at Türkiye ang nagbukas sa unang pagkakataon sa loob ng 35 taon noong Sabado upang payagan ang limang trak na nagdadala ng pagkain at tubig sa rehiyong naapektuhan ng lindol.

Isa pang himala ay ang nanatiling nakatayo na rebulto ng Birheng Maria sa kabila ng pagguho ng simbahan.

Sa Facebook, ibinahagi ni Father Antuan Ilgit ang mga larawan ng pagguho ng Cathedral of Annunciation sa Alexandretta, Hatay sa Turkey.

Gayundin ang larawan ng rebulto ni Birheng Maria na hindi natinag ng malakas na lindol.

“The image of Our Lady was unharmed in the quake that brought down Annunciation Cathedral in the city of Alexandretta in the Turkish province of Hatay. The cathedral was the main church of the Apostolic Vicariate of Anatolia,” pahayag ng pari.