Advertisers

Advertisers

Gasolinahan hinoldap: Holdaper patay

0 178

Advertisers

Nasawi ang isang holdaper at isa ang nahuli sa habulan ng mga pulis sa probinsya ng Cotabato.
Sa ulat, mga residente ng Lake Sebu South Cotabato ang mga suspek.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Harold Ramos na nagkunwaring magpagasolina ang mga suspek sa isang gasoline station sa Barangay Sangat M’lang Cotabato ngunit dumiritso ito sa cashier area at nagdeklara ng holdup.

Mabilis na tumakas ang mga magnanakaw nguni’t agad nakapag-report sa pulisya ang may-ari ng gasoline station.



Tinugis ng mga pulis ang mga suspek hanggang abutan sa Barangay Pag-asa sa bayan ng Mlang kung saan isa sa mga ito ang nasawi at isa naman ang nahuli sa Brgy Bagontapay.

Narekober sa mga suspek ang dalang mga baril, motorsiklo, ninakaw ng pera at mga personal na kagamitan.

Sa ngayon, nakapiit sa M’lang Municipal Police Station ang nahuling suspek na patuloy na iniimbestigahan.