Advertisers
Halinhinang ginahasa ang isang dalagang estudyante ng apat na lalaking nakainuman sa Antipolo City noong Linggo ng madaling araw.
Sa report ng Antipolo City police, nangyari ang gang rape sa biktima sa Flores Farm, sa Sitio Cabading, Antipolo City noong Linggo ng madaling araw.
Sa ulat, inimbitahan ang biktima ng kanyang kaklase na Roland Jay Danao para sa birthday nito kasama ang isa pang kaklase na si John Anrie Flores at mga barkadang sina Red Maggarro at AJ Bautista.
Nag-inuman umano ang grupo hanggang sa malasing at makatulog ang biktima.
Nagising na lamang umano ang biktima na nakaupo sa isang silya at wasak na ang damit at underwear habang hinahawakan sa katawan nina Danao at Maggarro.
Makalipas ang ilang sandali at binuhat umano ang biktima papasok sa kuwarto ng suspek na si Flores at tuluyan nang pinagsamantalahan.
Pagkatapos ni Flores, magkakasunod din nanggahasa sa biktima ang tatlo pang suspek.
Nang makauwi sa bahay, tinawagan ng biktima ang kanyang guro at doon ipinagtapat ang pangyayari.
Kasama ang ina ng biktima, nagharap ng reklamo ang mga ito sa pulisya na kaagad ikinaaresto nina Danao at Flores.
Pinaghahanap pa ng pulisya ang mga suspek na sina Bautista at Maggarro.