Advertisers
SINABI ng election lawyer, Atty. Romulo Macalintal, maliwanag na paglabag sa karapatan na taongbayan na makaboto ang pagpapaliban (muli) sa Barangay at Sangguniag Kabataan Election (BSKE) na nakatakda ng Nobyembre 2, 2026.
Say ni Macalintal, masyado nang mabigat ang politika ng mga mambabatas, kahit na labag sa karapatan ng mga taongbayan ay ginagawa nila.
Aniya pa, mahigit walong bilyong piso na ang nagastos ng pamahalaan para sa BSKE ‘26, pero binabaliwala parin ng mga mambabatas.
Naninindigan si Macalintal na ang karapatan na makaboto ay hindi dapat labagin, ang mga karapatang pagboto ay dapat pag-ingatan.
Si Macalintal ang lumapit sa Korte Suprema nang unang ipagpaliban ang BSKE noong 2022. At nag-ruling ang korte na isang paglabag ang pagpaliban sa halalan na itinakda ng batas.
Sinabi sa ruling na kailangan nang ang na-postpone na BSKE sa Nobyembre 2 ng taon, na ngayon ay itinutulak uli ng Kongreso na ipagpaliban ito sa 2028, iang buwan pagkatapos ng national o presidential election.
“Hindi ko nga maintindihan. Masyado nang mabigat ang politika ng ating mambabatas, kahit na labag sa karapatan nating mga taong bayan ay ginagawa nila.
Kapag na-pospone itong halalan na ito, ito’y maliwanag na paglabag sa ating karapatan na makaboto, pero anong ginagawa ng mga mababatas na ito?
Wala eh, hindi nila tayo pinapansin, mahigt walong bilyon na ang nagastos para sa halalan na ito, ganun parin, hindi nila binibigyan ng pagpapahalaga yung walong bilyon na ginastos ng pamahalaan.”
Korek si Macalimtal.
Ang higit walong bilyong piso na nagastos, ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ay ginamit sa pagpaimprinta ng balota at iba pang expenses sa paghahanda sa BSKE ‘26.
Kamakailan ay pumasa sa 3rd at final reading sa House at Senate ang panukala sa pagpaliban sa BSKE sa pamumuno ni Senador Chiz Escudero.
Hindi na ito dadaan pa sa Bicameral conference dahil in-adopt ng House ang Bill.
Ipadadala nila ito sa Office of the President. Nasa mga na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. kung pipirmahan niya para maging batas ang Bill, ibasura, o ibalik ito sa Senado para baguhin ang ilang detalye na sa tingin niya ay hindi maganda para sa taong bayan.
Ang gusto kasi mangyari ni Escudero ay gawin limang taon ang termino ng barangay na magre-elect ng isang termino, habang isang termino lang ang SK, at makatitipid daw ang gobierno kung sa 2028 nalang ito gawin.
Ang filing ng Certificate of Candidacy (CoC) ay sa huling linggo ng buwan. At ngayon, Sept 18, na magsisimula ang election ban.
Wish ko, ibasura ni PBBM ang Chiz Bill!