Advertisers
Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapatupad ng Hold Departure Order (HDO) na inisyu ng Sandiganbayan laban kina dating Speaker Martin Romualdez, Felicito Cristobal Guevarra, dating Congressman Elizaldy “Zaldy” Co, at Joselyn Serenio.
Batay sa pinakabagong rekord ng BI, sina Romualdez at Guevarra ay nananatili sa Pilipinas, habang sina Co at Serenio ay kasalukuyang nasa labas ng bansa. Ang dalawang indibidwal ay nakaalis na ng Pilipinas bago pa man ilabas ang HDO.
Patuloy na mahigpit na ipapatupad ng BI ang HDO at magsasagawa ng mga naaangkop na hakbang sa immigration sa loob ng mandato nito.
Gayunpaman, hindi maaaring ibunyag ng Bureau ang mga partikular na detalye sa paglalakbay o iba pang personal na impormasyon tungkol sa mga indibidwal, alinsunod sa Data Privacy Act of 2012 at iba pang naaangkop na batas. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)