Advertisers

Advertisers

Throwback: High School English Subject – Use of prepositions “on” and “of”

0 7

Advertisers

Sa oras na tinitipa ko ang pitak na ito ay di ko mapigilang mangiti sa tuwa sa pahayag ni dating Cong. Robert Ace Barbers, ang spokesman ng Impeachment Prosecution Panel dahil sa tinatalakay nila ni Koyang Pete Musni at Koyang Danny Buenafe ang binigkas ng defense witness na si Atty Suzette na “loose investment!”

Noong kami’y nasa mataas na paaralang “esko” rin naman na Philippine College of Commerce Laboratory High School sa Lepanto Street na ngayo’y Polytechnic University of the Philippines na kalikuran lang ng University of the East, ang English subjects namin ay kinakatigoryang Business English na aligned sa aming Business Communication Skills. Ang mga maestra namin sa mga panahong 1960 to 1964, e ipinagmamalaki namin dahil silang karamihan ay galing UP at ibang kilalang unibersidad sa Pilipinas na nagmulat sa amin sa murang edad, ng tunay na Business English — na hanggang sa ngayon ay di namin malilimutan.

Tama si Congressman Robert Ace, anak ng best friend naming mga taga PC CIS nuon — na si dating SILG Robert Barbers sa “definition” niya sa “loose investment” umano ni Sara Duterte sa ilang business establishments run by Gen Corp. nuong siya ay bise presidente. “Wala akong nalalaman sa kung anong ibig sabihin ni Atty. Suzette sa salitang “loose investment” as far Accounting parlance is concern…(can be a loose idea?!)



Sa apat na taong kami’y nasa primary business school sa Pilipinas nuong panahong iyon, wala rin kaming naingkwentrong “loose investment” na termino na nababanggit ng aming mga guro!

Madali’t sabi, ang talakayan nina Koyang Peter at Koyang Danny ng ABS CBN at Cong. Robert Ace ay naudlot at ang “loose investment” topic nila ay na-“Lost in Transition” na. Naputol sa ere!



Sa amin namang Business Communication Skills subject sa high school nuon mahigpit ang bilin ng aming mga maestra sa paggamit ng prepositions “on” and “of” … na kapag ang ibig mong ipatungkol ay galing sa kung ano – ang gamit ay “on” at kung “of” naman – ang ibig ipatungkol nito ay tukuyin ang isang salitang ibig na bigyang liwanag.

Samakatuwid, ang pahayag ni Atty Suzette ay “misleading” o “confusing” sa mga nakarinig nuong siya’y nasa hot seat ng Impeachment Court — na napatayo pati ang ilang senador-huwes para mag- interject dahil nga di nila maitapatat sa kanilang nalalaman ang ibig ipahiwatig ng defense witness na naringgan ding nagkomento ng “absurd” — na sa pakiwari ni Presiding Officer Chiz Escudero ay “out of decorum” sa pinagpipitagang bulwagan na dumidinig ng kasong Unexplained Wealth ni Sara Duterte. At sa classmate Claire Comoda kong golfer — OUT OF BOUNCE!



Sa loob lamang ng apat na araw – DAY 40 to 43 na pagdinig sa Impeachment Try na ito ng ikalawang pinakamataas na tao sa ating bansa, nag trending sa Social Media at maging sa mainstream media ang mga salitang “Di ko alam”, “Di ko maalala”, “Probably”, “I cannot remember”, “Yes”, “No”, na lahat ay pawang sa defense witnesses nanggaling. At ganuon din ang mga gestures nila na alalaumbaga ay panghahamak sa kakayanan ng mga senador-huwes na makapaggawad ng katarungan sa kanilang pinagpipilitang IPAGTANGGOL na akusadong hanggang sa ngayon ay hindi makapagpakita ng personal upang humarap sa samabayanang umaakusa sa kanya,

Napansin din ng madla ang nanduon at sabihan ng testigo na “irrelevant” ang naratibo o tanong ng Prosecution Lawyer?! Ito ba ang katawagan ng mga street smart kid na “tsinitsubibo” ang nakikinig hanggang ma-“Lost in Translation” sila? Yaon kasi ang lumalabas sa tuwing bubuka ang bunganga ng kanilang mga testigo! Walang solido o tapat na sagot?!

Sa bandang huli taumbayan pa rin ang nakanganga at tila baga hindi maiibsan ang mga pangamba na baka nga sa karnabal mauwi ang pagdinig– na sa tingin ng ibang konserbatibo at taal na sumusubaybay–ay nararapat lang na masusing paghihimay, patas at pantay na pagpapahalaga sa mga ebidensya at patunay na inilatag ng magkabilang panig, at higit sa lahat ang pagsasantabi ng politikal na adhikain sa ngalan ng katarungan para sa lahat. (