Advertisers

Advertisers

‘Pastillas’ scam whistleblower: P500 kada Chinese na mapapalusot

0 2

Advertisers

UMAABOT umano sa P500 kada Chinese national ang natatanggap ng facilitator kapalit ng pagpapadali sa kanilang pagpasok sa Pilipinas, ayon sa testimonya ng “pastillas” scam whistleblower na si dating immigration officer Allison Chiong.
Muling tumestigo si Chiong sa Sandiganbayan Seventh Division nitong Miyerkules sa graft trial ng ilang dating opisyal ng Bureau of Immigration, kabilang si dating Port Operations Division chief Marc Red Mariñas.
Sa cross-examination, kinumpirma ni Chiong na nakatanggap siya noon ng P1,000 mula kay dating immigration personnel Dennis Robles. Bagama’t hindi ipinaliwanag sa kanya kung para saan ang pera, sinabi niyang naunawaan niyang ito ay bayad sa pag-facilitate sa pagpasok ng dalawang Chinese traveler o P500 bawat isa.
Ang “pastillas” scam ay tumutukoy sa bribery scheme kungsaan nagbabayad ang ilang Chinese national upang makapasok sa bansa nang hindi dumaraan sa karaniwang mahigpit na immigration screening.
Nauna nang sinabi ni Chiong sa Senate investigation na gumagamit ang grupo ng listahan ng mga dayuhang bibigyan ng “seamless” entry.
Ayon kay Chiong, may 143 dayuhang pasahero na sangkot sa kasong dinidinig.
Itinakda ang sunod na pagdinig sa Oktubre 7. (Boy Celario)