LIMANG KATAO, BI PERSONNEL INIIMBESTIGAHAN KASUNOD NG PAGLIGTAS SA ‘POTENTIAL TRAFFICKING VICTIM’ SA NAIA
Advertisers
Limang indibidwal, kasama na ang BI personnel, ang kasalukuyang iniimbestigahan upang malaman kung may kinalaman ang mga ito sa isang diumano ay trafficking o illegal recruitment scheme.
Ito ay matapos mailigtas ang isang diumano ay ‘potential victim of human trafficking and illegal recruitment’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Batay sa impormasyong galing sa National Bureau of Investigation (NBI) personnel na nakipag-ugnayan sa Bureau of Immigration (BI) Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) na pinamumunuan ni Leni Maminta, ang operation ay isinagawa noong September 12 sa tulong ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) Task Force at base sa IACAT Guidelines on Departure Formalities, “which provide for coordination with the BI when information is received that a departing passenger may be a potential trafficking victim, for interception and further assessment.”
Sa ulat mula sa tanggapan ni Maminta, ang pasahero ay kinilalang si “Inah,” 35, na diumano ay ni-recruit online sa pamamagitan ng Telegram at Messenger para sa isang trabaho bilang phone operator sa isang casino sa may Myanmar-Thailand border at sa pangako ng buwanang sahod na P50,000. Naka-book na din siyang magpunta sa Thailand bilang tourist.
Sinabi ni Inah na ang kanyang contact na si “Miss A” ay nagpanggap umano bilang isang human resources employee ng isang kumpanya. (JERRY S. TAN)