Advertisers

Advertisers

BANGKAY NG 30-ANYOS NA BABAE, NATAGPUAN SA LOOB NG REF SA RODRIGUEZ, RIZAL

0 268

Advertisers

Natuklasan ng mga awtoridad ang bangkay ng isang 30-anyos na babae sa loob ng refrigerator sa kanyang tirahan sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang biktima bilang si @Freya, ipinanganak noong Pebrero 19, 1996 at nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, noong Setyembre 10 ay pumunta ang may-ari ng apartment upang papirmahin ng kontrata ang biktima ngunit walang sumasagot sa katok.

Bumalik kinabukasan ang may-ari ng bahay at wala pa ring tugon. Nang humalo ang masangsang na amoy, humingi ito ng tulong sa pulisya.

Sa pagpasok, natagpuan ang biktima sa loob ng refrigerator — wala nang buhay.

Natuklasan ang insidente dakong ika-9:00 ng umaga at iniulat sa pulisya ika-12:00 ng tanghali. Hindi pa nakikilala ang suspek.

Isang 62-anyos na lolo ang kinapanayam ng awtoridad bilang isa sa umano’y mga saksi.

Nagsasagawa na din ng backtracking sa CCTV footage sa lugar at nakipag-ugnayan na din sa Rizal Provincial Forensic Unit.

Habang nagsasagawa ng dragnet operation at malalimang imbestigasyon sa karumal-dumal na krimen.

Hindi rin nilinaw ng pulisya kung ano ang sanhi ng ikinamatay nito ng matagpuan sa loob ng refrigerator. (Edwin Moreno)