Advertisers
Pormal nang naiproklama si Bangsamoro Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” A. Macacua bilang kinatawan ng 3rd District ng Maguindanao del Norte sa kauna-unahang BARMM Parliamentary Election.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Macacua sa Alh SWT at sa mga mamamayang nagbigay sa kanya ng tiwala. Tinukoy rin niya ang kanyang bagong mandato bilang isang “amanah” o pananagutang ipinagkatiwala ng mga mamama-yan.
Ayon kay Macacua, mahalaga ang tapat at responsableng pagtupad sa tungkulin habang sinisimulan ng Bangsamoro ang panibagong yugto ng parliamentary governance.
Ang unang BARMM Parliamentary Election ay bahagi ng proseso sa pagbuo ng Bangsamoro Parliament na magsisilbing pangunahing lehislatibong institusyon ng rehiyon.