Advertisers
Maghahain ng ‘petition for bail’ si dating Speaker Martin Romualdez sa kinahaharap na P7.4 bilyong plunder case, ayon sa kanyang mga abogado sa Sandiganba-yan Third Division nitong Miyerkoles.
Dumalo si Romualdez, na nakasuot ng dilaw na damit para sa persons deprived of liberty at naka-wheelchair, sa arraignment sa pamamagitan ng video conference mula sa New Quezon City Jail-Male Dormitory.
Nagpasok siya ng not guilty plea sa naturang kaso.
Kinumpirma naman ng kanyang abogado na si Rachel Ann Pomoy na maghahain sila ng petition for bail kaya nais na umano nilang matapos ang pretrial.
Ang kasong plunder ay non-bailable, at mapahihintulutan lamang kung hindi matibay ang evidence of guilt ng akusado, na mapa-patunayan lamang sa bail hearing.
Bukod dito, binigyan ni Sandiganbayan Third Division Chairperson Associate Justice Karl Miranda si Romualdez ng 10 araw para ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat isailalim sa preventive suspension bilang pampublikong opisyal.