Advertisers
Patay ang magkapatid na lalaki at kritikal ang 5 anyos na batang babae nang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin, sa bayan ng Sultan Kudarat.
Kinilala ang mga nasawi na sina Tato Mangilay Datupeno, 31, magsasaka, kapatid na si Nelson Mangilay Datupeno at anak ng isa sa mga nasawi na si Jasmin Datupeno, lahat ay residente ng Brgy. Buaya-buaya, Kalanganan 2, Cotabato City.
Sa report ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, 4:50 ng hapon nang maganap ang krimen sa bahagi ng Crossing Simuay, Sultan Kudarat Maguindanao Del Norte.
Ayon sa ulat, sakay ang mga biktimang mini-van na may plate number na MAN-4776, at binabaybay ang nasabing lugar patugong Cotabato City.
Hindi namalayan ng mga biktima na sinundan sila ng mga salarin na sakay ng isang puting Toyota Hilux at pagdikit sa mga ito malapitang pinagbabaril ang kanilang sasakyan.
Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga salarin patungong Cotabato City.
Isinugod naman sa ospital ang magkapatid at bata subali’t sa daan pa lamang nalagutan na hininga ang dalawa habang patuloy na inoobserbaha si Jasmin.
Kwento ng mga kaanak, galing ang mga biktima sa isang kalilang o kasal at pauwi na sana sa kanilang bahay.
Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng basyo ng ng kalibre.45 na pistola at M16 Armalite rifles na ginamit sa pamamaslang
Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya para malaman ang tunay na motibo sa krimen o kung may kinalaman sa rido o away-pamilya.