Advertisers
NASAWI ang apat sa limang sakay ng isang truck kabilang ang isang barangay kagawad nang mahulog sa pangpang sa may Barangay Linabo, Quezon, Bukidnon nitong Huwebes.
Kinilala ang mga biktima na sina Ronald Rene L. Pantua, drayber ng boom truck; Ricardo Saison; Alfredo Villamero, mga Job Order employee ng lokal na pamahalaan ng Quezon; at Barangay Linabo Kagawad Eduardo Sereno, Jr.
Sa report, papauwi na ang mga biktima at binabaybay ng sinasakyang truck ang naturang daan nang nawalan ng kontrol ang drayber sa truck, dahilan para mahulog ito sa pangpang.