Advertisers
NAKATAKDANG magsagawa ng malawakang balasahan ang Office for Transportation Security (OTS) simula sa Lunes, March 20, 2023, ito ay upang mapaghusay ang superbisyon at bigyang diin ang pananagutan sa bawat airport station sa buong bansa.
Kabilang sa strategic organizational reform initiative ay ang paglipat ng Security Screening Officers (SSOs) mula sa National Capital Region patungo sa regional airport stations sa Luzon, Visayas at Mindanao, at vice versa.
Maliban sa personnel re-assignment, binigyang pansin din ng OTS ang mga naganap na nakawan kamakailan sa airport security screening checkpoint at ito ay sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Enhanced Lines of Supervision. Ito ay ang pagtiyak ng sapat na superbisyon at ang pagkakaroon ng kinakailangang check and balance sa security screening operations. Ang OTS ay nagtalaga ng mas responsable at may kakayahang Regional Chiefs, Terminal Chiefs, Shift Supervisors, at Checkpoint Supervisors na siyang mangangasiwa at magsu-supervise ng araw-araw na operasyon sa airport.
Maliban pa dito, ang OTS ay nagpatupad din ng pagpapakalat ng walong (8) National Aviation Security Auditors sa Ninoy Aquino International Airport upang regular na magsagawa ng audits at inspections upang siguruhin na naipatutupad ang security measures. Ito ay gagawin din sa lahat ng airports sa buong bansa.
Preventive, Corrective and Punitive Measures. Simula ng manungkulan ang kasalukuyang administrasyon, may mga hakbang na naipatupad at nakasentro sa three-pronged approach: Preventive (awareness and advocacy program), Corrective (spon-on corrections and subjecting personnel to re-training), and Punitive (imposition of administrative sanctions and ultimate penalty of dismissal).
Mula 2022 hanggang March 10, 2023, may kabuuang bilang na 61 kawani ang naparusahan, sa nasabing bilang, 18 ang nasibak, 26 reprimanded, 3 Suspended, at 14 ay isinailalim para sa Legal review. Ito ay mula sa iba’t-ibang pagkakamali na kinabibilangan ng violation of the OTS No Tipping Policy, maling disposal ng security prohibited items na kinumpiska sa security screening checkpoint, pagkakasangkot sa theft at extortion, facilitation, at hindi pagbabalik ng mga naiwang gamit.
Sa nasabing bilang sa matapos ang factual investigation, napatunayan ng OTS na sina SSOs Irene Medalla at Babeth Tagapan na nakita sa video na kinuha ang pera ng Thai national noong February 22, 2023 sa NAIA Terminal 2 ay guilty, at dahil dito ay sinibak sa serbisyo. Ang iba pang mga kasabwat na napatunayang guilty rin ay sumasailalim sa dismissal procedures alisunod sa Civil Service rules and regulations para sa Contractual personnel.
Dagdag pa dito, si SSO Valeriano Diaz Ricaplaza Jr, na inaresto ng PNP Aviation Security Group noong March 1, 2023 sa pagkuha ng relo ng Chinese national ay sinibak na din sa trabaho.
Samantala, ang anim na kinilalang kawani ng sangkot sa kaso ng Enhyphen ay pinaalalahanan dahil sa paglabag sa OTS Standard Operating Procedures.
Upang maiwasan na ang mga ganitong uri ng pangyayari, ang OTS ay nagpalabas ng direktiba na “One Strike Policy” simula pa noong March 01, 2023 upang paalalahanan sila ng command responsibility, at hiwalay pang direktiba na nagbabawal sa pagsusuot ng jacket, pantalon na may bulsa pati na ang pagsusuot ng alahas habang naka-duty.
Maliban pa sa administrative authority sa kanilang kawani, ang OTS ay nakikipag-ugnayan din sa law enforcement agencies upang asistehan ang mga biktima sa pagsasampa ng criminal charges laban sa kanilang tauhan, upang ipakita na sila ay desidido sa kanilang pagtugon sa mga illegal activities na mismong kawani ng OTS ang may gawa.
Sa kabilang banda ay may malaking bilang naman ng mga SSOs ang binigyan ng karangalan, pagkilala at papuri ng OTS management dahil sa kanilang katapatan at integridad kung saan ang mga ito ay nagsauli ng mga luxury watches, jewelries, malaking halaga ng salapi at pagkakaharang ng mga prohibited items sa airport. (JERRY S. TAN)