Advertisers
MAGANDA ang tanong ng isang manananggol: “Bakit hindi nagdeklara ng ‘state of calamity’ sa mga lugar na apektado sa paglubog ng MT Princess Empress? Hindi ba nararapat na maglabas ng ‘calamity fund’ para sa mga mangingisda at nag-aari ng mga resort na naging biktima ng trahedya?” Umabot na ang kalat ng langis sa Antique sa kalagitnahan ng tuna season. Umaabot na rin ang oil slick sa mga aplaya sa Palawan. Nanganganib ang kabuhayan ng libu-libong Pilipino, ngunit walang ayuda na nanggagaling sa pamahalaan. Sumuko na ang Philippine Coast Guard at DENR at humihingi ng tulong sa Japon. Sa totoo lang, tuyo ang calamity fund dahil mas binigyan ng halaga ang confidential fund ng mga nakatataas na opisyal. Taon ang epekto ng oil spill dahil hahayaan na ang kalikasan na lang ang magpapahupa dito. Samantala lahat nakanganga habang hinihintay ang bayad mula sa insurance. Isa pang napuna ng manananggol at itinanong ko ito kay PCG chief Admiral Artemio Abu, umabot sa isang bilyon piso ang insurance sa barko na lumubog sa kalmadong karagatan. Ang mga barkong ito ay galing Japon, at “reconditioned.” Pero ayon kay Abu, brand new ito. Sa totoo, pulos “motherhood statement” ang narinig ko. Para ako nasa gitna ng inuman kung saan nagbibida ang mayabang. Pasensya na po. Mas may katuturan ang katahimikan na ipinamalas ng mga junior mo.
***
MULING nananawagan ang abang kolumnistang ito sa agarang pagpapalaya kay dating senador Leila De Lima.
***
AT muling nagpapaalala tayo na isang buwan na lang ang nalalabi bago ipataw ng EMSA ang bagong patakaran para makasampa sa mga bakong nagwawagayway ng bandila ng EU ang ating mga Bagong Manila Men.
***
HINDI pa natihod ang pagluluha natin makaraan dumagsa ang presyo ng sibuyas sa merkado. Nangyari ito sa kasagsagan ng Pasko, kung saan ayon sa imbestigasyon ng Senado, bandang Oktubre ng nakaraang taon nagsimulang sumirit pataas ang presyong sibuyas na umabot sa P750 kada kilo noong Disyembre. Isiniwalat ni Sen. Nancy Villar na mula sa pagbili nito sa mga magsasaka mula P9 hanggang P15 kada kilo noong Abril, 2022 sa mga magsasaka sa Oriental Mindoro. Inilagak nila mga sibuyas sa cold storage ng mga nagsasamantalang mga trader at hinintay na sumipa ang presyo. Samakatuwid, lumikha sila ng tinatawag na “artificial shortage”. At nang umabot sa P750 kada kilo, inilabas nila sa merkado ito.
Natitiyak ko na ang iilan sa sangkot ay malapit sa kasalukuyang pangulo kaya nagkaroon ng tigas ng mukha na isagawa ito. Ngayon hindi ko alam kung tuloy-tuloy ang imbestigasyon hanggang matukoy ang salarin. Pero natitiyak ko na may posibilidad na sumirit ang lahat ng ito na parang kwitis at may mananagot. Iyon lang sana hindi supot ang kuwitis. Nakikita ng abang kolumnistang ito na sinisimulan uli ito sa asukal. Kapag nagkataon, tititiyak ko ang matamis nating ngiti ay mapapalitan ng simangot. Kasing pait ng apdo ng kambing. Tatapusin ko ang isyung ito sa pamamagitan ng isang tula na nasulyapan ko sa pader ni Maris Hidalgo, OFW at netizen, isang tula sa Ingles na nilikha ng ChatGPT tungkol sa sibuyas. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian:
In the islands of the Philippines,
A curious tale does now begin,
Of onions that are small and brown,
Yet cost more than a royal crown.
For in the markets of the land,
The prices of the onions stand,
At levels high, beyond compare,
That makes the shoppers stop and stare.
With tears in eyes and cash in hand,
They purchase onions, oh so grand.
Yet as they peel away the layers,
They can’t escape the cost that snares.
For every dish that’s made with these,
The price is felt, without much ease.
And every time they fry or stew,
The cost, it seems, is all too true.
And so the onion, once so cheap,
Become a luxury, hard to keep.
A symbol of the market’s might,
And the country in its plight.
For in these onions, small and brown,
We see a nation’s ups and downs.
A people strong, yet struggling still,
To make a living, and find their fill.
And so we honor, with this verse,
The onions that they do disperse.
For though they cost a hefty fee,
They symbolize a people free.
***
Mga Harbat Sa Lambat: “If Comelec continues to ignore the Supreme Court, SC must impose its Supremacy by initiating a disbarment proceedings against all of them…” – Jose Orogo, netizen
“Junior asks people to be patient, saying his promise of P20/kilo of rice is near fruition as current price is at P25/kilo. Ewan ko lang ha, nag grocery kami ni misis kanina tig 52/kilo. Can somebody be so kind to tell me where to buy nung tig 25? He is on his ‘high’ moments again?…” -Mac Zamora, netizen, kritiko ng lipunan
“Kung siya (Rep. Teves) ay inosente, despite the security risks, which can be remedied by proper arrangements with PNP, Rep. Teves should immediately return to the Philippines so that he could controvert the future complaints that may be initiated by the PNP against him by filing his counter- and rejoinder affidavits during the DOJ preliminary investigations. A perfunctory press release or presscon by his lawyers is not necessarily a sign of good faith and innocence.” – Manuel Laserna Jr
***
mackoyv@gmail.com