Advertisers

Advertisers

HEPE NG PULIS SA BULACAN PATAY SA RIDING IN TANDEM

0 165

Advertisers

NASAWI ang hepe ng pulis na rumesponde sa nakawan nang pagbabarilin ng mga magnanakaw sa madilim na bahagi ng San Ildefonso, Bulacan, Sabado ng gabi.

Kinilala ni Central Luzon Police Director, Brigadier General Jose S. Hidalgo Jr., ang matapang na nagbuwis ng buhay na hepe ng San Miguel Police na si Lt. Col. Marlon Serna.

Sa report, 9:30 ng gabi nang makatanggap ang San Miguel Police Station ng impormasyong may nangyaring nakawan sa Barangay San Juan, San Ildefonso.



Agad rumesponde ang pulisya sa pangunguna mismo ni Serna. Nang marating ng tropa ang madilim na lugar sa Brgy. Bohol na Mangga, San Ildefonso, nakasagupa nila ang dalawang salarin na lulan ng motorsiklo at kaagad silang pinagbabarill.

Tinamaan sa ulo si Serna, na agad dinala sa Emmanuel Hospital subali’t namatay ito kalaunan, habang ang riding in tandem ay tumakas sa direksyon ng Brgy. Akle, San Ildefonso.

Inatasan na ni Hidalgo si Bulacan Police Director, Col. Relly Arnedo, na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para mabilis na masolusyunan at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng opisyal.

Samantala, nagbigay ng P500,000 reward ang DILG; P300,000 sa PRO3; P200,000 sa PNP; at P200,000 mula kay Bulacan Governor Daniel Fernando para sa makakapagbigay impormasyon at tutulong para makilala ang mga salarin.

Nirerebyu na ang mga CCTV footage na dinaanan ng mga salarin. (Mark Obleada/ Thony Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">