Advertisers

Advertisers

Bakit pagkakakitaan pa ang iligal?

0 136

Advertisers

TAMA si Senadora Risa Hontiveros sa kanyang suhestyon na ipamigay nalang ang mga nakumpiskang produkto sa mga higit ba nangangilangan at sa mga biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bakit nga naman ibebenta pa sa Kadiwa Center ang mga galing sa iligal? Ipamigay nalang ito sa mga wala nang makain dahil sa hirap ng buhay at taas ng mga bilihin tulad ng bigas at asukal.

Tutal yun naman ang pramis ni Pangulong “Bongbong” Marcos noong eleksyon, ang guminhawa na ang mahihirap sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga pangunahing bilihin tulad ng bigas at asukal.



Pramis niya noong election 2022, gagawin niyang P20 ang kada kilo ng bigas pati na ang asukal. Ngayong mag-isang taon na siya bilang lider ng bansa, ang bigas ay lalo pang tumaas, P45 pataas kada kilo. Tumaas din ang lahat ng bilihin pati sibuyas! Animal!

Kunsabagay sanay na tayo sa mga pangako ng mga trapong politiko. Sabi nga: “Pinangakuan ka na, gusto mo tuparin pa?”



Ganito rin naman ang ginawa ng sinundang administrasyon ni PBBM e, nangakong wawakasan ang problema sa iligal na droga at korapsyon sa loob ng tatlong buwan, pero ang nangyari ay lalo pang lumala! Bwisit!!!

Balikan natin ang plano ng Department of Agriculture (DA), na pinamumunuan mismo ni PBBM, na ibenta sa Kadiwa ang mga nakumpiskang smuggled agri products partikular bigas at asukal, sang-ayon ako sa mungkahi ni Hontiveros ma ipamigay nalang ito sa mas nangangailangan kesa ibenta pa ang galing sa iligal. Just do it, Mr. President!



***

Sobrang dami ng holidays ngayon. Malaking epekto ito sa business sector. “Lugi negosyo!”, sabi ng mga Intsik!

Maging ang pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) ay gustong bawasan ang maraming holidays. Nagrereklamo na raw ang mga negosyante. Naman!

Sabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual, nais niyang ilimit nalang sa dating sampu ang taunang holidays.

Sa ngayon kasi ang mga deklaradong holidays ay: January 1 (New Year), Feb. 25 (1986 Edsa People Power Anniversary), April 9 (Araw ng Kagitingan), Maundy Thursday (April 6), Good Friday (April 7), Black Saturday (April ??, May 1 (Labor Day), June 12 (Independence Day), Aug. 21 (Ninoy Aquino Day), Aug. 28 (National Hero’s Day), Nov. 1 (All Saint’s Day) Nov. 30 (Bonifacio Day), Dec. 8 (Feast of tyhe Immaculate Concepcion), Dec. 25 (Christmas Day), Dec. 30 (Rizal Day), Dec. 31 (New Year’s Day).

Gusto ng DTI na ilimit nalang ito sa sampu tulad ng hinihiling ng business sector. Tama! Sapat na ang Sabado at Linggo na pahinga ng government workers pati ng mga nag-oopisina sa pribado, ‘wag nang dagdagan pa. Mismo!

***

Babala sa mga kababayan natin na mahilig makipag-chat sa foreigners: Dumarami kasi sa mga kababayan natin ang nabibiktima ng “controlled delivery” ng iligal na droga mula sa ibang bansa.

Ang siste kasi ng mga sindikato ng droga ngayon ay makikipagkaibigan sila sa mga Pinoy sa pamamagitan ng social media. Tapos sasabihan na may ipadadalang package para sa kaibigan nito sa Pilipinas, pero sa kanya ipapangalan at sa kanya kukunin nung kaibigan niya. Yun pala ay droga ang laman nito. Makikita ito sa X-ray sa airport. At ang gagawin dito ng mga awtoridad ay aabangan ang claimant o ide-deliver sa consignee. Timbog!

Kaya huwag basta tumanggap o kukuha ng package kung hindi lubos na kakilala ang nagpapadaka. Okey?