Advertisers

Advertisers

Teves sa aksyon ng DOJ: Ginagawa nalang kaming trophy

0 101

Advertisers

SINABI ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. na tila ginagamit na lamang silang “trophy” ng pamahalaan sa pagsasabing siya ang mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

“Feeling ko, ginagawa nila kaming, other than business interest, ginagawa nila kaming trophy. Pareho kami ni [dating Bureau of Corrections chief Gerald] Bantag. Na gusto na nilang kumita, gusto pa nilang sumikat,” ani Teves.

Bilang tugon, sinabi naman ni Justice Department Spokesperson Mico Clavano na: “We are and will always be evidence-based.”



Nauna nang inakusahan ni Teves ang mga awtoridad sa paglusob sa ilan pa niyang ari-arian kabilang ang pinakahuli, ang isang poultry farm.

“This is really persecution already. Sobra na ito, hindi na ito dapat. Mali na talaga. Sobra na ang pang-aapak sa karapatang pantao,” ani Teves.



Itinanggi naman ng PNP Joint Task Force, AFP, CIDG, at NBI na nagsagawa sila ng raid sa ari-arian ni Teves.

Nang tanungin si Teves kung ano ang mapapala ng gobyerno sa pagdidiin sa kanya, sagot niya: “It is a show of force.”



“Hindi naman sa pagmamayabang, may pangalan narin tayo. Eh ‘di magmumukha silang malakas, na napatumba nila ‘yung isang tao na… siyempre meron din naman tayong standing sa publiko, maraming followers, kilala rin tayo nang kaunti,” aniya.