Advertisers

Advertisers

4 suspek ‘di kailangan maging state witness sa Degamo killing

0 128

Advertisers

INIHAYAG ng kampo ng pamilya Degamo nitong Martes na hindi kailangan gawing state witness ang apat na sumukong suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walo pa, dahil mayroon na umanong sapat na ebidensya.

“The evidence is sufficient already to successfully prosecute all of them without any of them becoming a state witness,” sabi ng abogado ng Degamo family na si Levito Baligod.

“We can still prove the crimes charged based on the evidence available… As of now, we don’t need any of them to become a state witness,” dagdag ng abogado.



Ang mga suspek na sina Joric Garido Labrador, Joven Calibjo Javier, Benjie Rodriguez, Osmundo Rojas Rivero, at 12 John Does ay nahaharap sa kasong murder kaugnay ng pagpatay kay Degamo sa kanyang tahanan sa Pamplona noong Marso 4.

Ayon kay Baligod, sumuko sa pamahalaan ang apat na suspek at sinabing hindi sila maghahain ng kanilang counter-affidavits.

Nauna nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na sinisilip nilang ilagay ang dalawa sa respondents sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP). Matapos ang ebalwasyon, matutukoy kung magagamit sila bilang state witness at kung dapat kasuhan ng murder.

Ipinaliwanag ni Baligod na maaaring gawing state witnesses ang mga suspek kung mapag-alaman na sila ay “least guilty” o kung ang kanilang testimonya ay “indispensable” para patunayan ang kanilang krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">