Advertisers

Advertisers

Ex-PBA player patay sa aksidente sa motorsiklo

0 255

Advertisers

Patay ang dating Philippine Basketball Association (PBA) player nang sumalpok sa isang truck ang minamanehong motorsiklo sa Cebu City nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Rodulfo Enterina, Jr., dating manlalaro ng University of Visayas at kinuha ng Purefoods sa PBA Draft noong 1991.

Kasama rin ni Enterina sa draft sina Alex Araneta, Bong Hawkins at Eugene Quilban.



Sa report, naganap ang insidente sa South Road Properties.

Dead on the spot si Enterina dahil sa matinding pinsala sa kanyang ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Noong Setyembre 17, 2017, nasawi rin ang dating manlalaro ng PBA na si Cris Bolado sa isang aksidente sa motorsiklo sa Phnom Penh, Cambodia.(Mark Obleada)