Advertisers

Advertisers

Dalagita iginapos, ginahasa ng ka-FB

0 157

Advertisers

IGINAPOS at ginahasa ang 12-anyos na estudyante ng lalaking nakilala lamang sa Facebook.

Kinilala ang lalaki na taga-Barangay Tagabas Ibaba, Catanauan, Quezon; habang ang biktimang dalagita ay taga-Barangay Cutcutan sa Catanauan.

Sa report, Valentine’s Day nang makipagkita ang Grade 5 student na biktima sa lalaking naka-chat lamang niya sa Facebook Messenger.



Sa loob ng tatlong buwan, inilihim ng dalagita ang nangyari sa kanya pero hindi rin nito kinaya ang naranasang trauma kaya nagsumbong ito sa kanyang magulang.

Nitong Huwebes ng gabi, nagtungo ang biktima kasama ang kanyang ina sa himpilan ng pulisya at inireklamo ang suspek.

Batay sa reklamo ng biktima, inimbitahan siya ng suspek na magkita at mamasyal sa isang lugar sa Barangay San Isidro sa nasabing bayan. Subali’t dinala siya ng suspek sa isang abandonado at nag-iisang bahay sa bukid.

Pagdating doon, iginapos siya ng suspek gamit ang lubid at tinalian ng panyo ang bibig nito at pinagsamantalahan.

Matapos ang panggagahasa, binantaan siya ng suspek na huwag magsusumbong kundi ay may masamang mangyayari sa kanya. Kaya inilihim ito ng dalagita sa kanyang pamilya.



Nito lamang Huwebes, Mayo 11, nagawang ipagtapat ng biktima sa kanyang pamilya ang nangyari sa kanya.

Inihahanda na ng Catanauan Police ang kasong isasampa laban sa suspek.