Advertisers

Advertisers

Babaeng negosyante grinipuhan ni Kagawad

0 113

Advertisers

SWAK sa kulungan ang barangay kagawad nang pagsasaksakin ang isang babaeng negosyante sa loob ng karinderya sa Barangay Mamarlao, San Carlos City, Pangasinan.

Sa report ng Police Provincial Office-1, kinilala ng San Carlos City Police Station (SCCPS) ang salarin na si Milan C. Castro, 42 anyos, barangay kagawad ng Barangay Balaya ng nasabing siyudad.

Ang biktima ay kinilalang si Gina A. Perez, 51, may-ari ng isang kainan, ng Barangay Turac, San Carlos City.



Sa report ng pulisya, nag-uusap ang biktima at kanyang kapatid na si Alma A. Rocal 5:42 ng hapon nang dumating ang kagawad at kinumpronta si Gina.

Binalaan pa umano ng kagawad ang biktima na papatayin sabay hampas ng upuan at pinagsasaksak sa katawan.



Dinala ang biktima sa Elguera General Hospital at doon binigyan ng paunang lunas.

Tumakas si Castro ngunit nadakip din ng mga pulis.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">