Advertisers

Advertisers

Mga namumuno sa Pinas, pinagdarasal ng Simbahang Katolika

0 4

Advertisers

Bagama’t walang mga pangalang binabanggit sa dalangin, ipinapalagay ng marami na unang PINAG-DARASAL si Pangulong Bong Bong Marcos at Vice President Sara Duterte.

Pangkalahatan siyempre ang gustong iparating ng SIMBAHAN sa kanilang dasal kasama na ang mga Senador, Congressman, Mayor, Gobernador at iba pang politikong humahawak ng gobyerno.

Sa simpleng salita, ang kanilang dalangin ay nakasentro sa mga politikong halal ng mga tao dahil sila ay parte rin ng pamumuno.

Kung ating titingnan ay wala namang masama sa hangarin ng SIMBAHAN dahil wala naman silang tinitingnan na ‘di tulad ng iba dyan na isa hanggang dalawang tao o’ politiko lang ang pinapaglaban.

Ang mga politikong ito na kanilang pinapagtanggol ay sinasabing miyembro ng kanilang sekta o dili kaya ay ka-alyado sa lahat ng aspeto.

Dito ay obvious na sila ay namamalahibo at may pinipili na kanila namang karapatan, iba daw ang tinitingnan sa tini-titigan.

Hindi naman sa may tinitingnan tayo ngunit malaki ang kaibahan ng nananalangin para sa kalaharan at ang nananalig sa iilan lang.

Kabilang sa mga panalangin ng SIMBAHAN ay huwag ng magkahati-hati pa ang mga Pinoy at sana ay mabuo na at magkaisa.

Isa pa rin sa mga dasal ay ang pagpapatupad ng tunay na proseso ng demokrasya ng walang pinapanigan at tupdin ang naaayon sa batas.

Na sana ay maibsan ang hirap na dinadanas NG MGA Pinoy, na sana ay makatikim naman kahit konting ginhawa.

Harinaway matigil na ang malawakang corruption sa gobyerno dahil ito ang ugat ng dinadanas na paghihirap.

Ang mga panalanging ito ay dinadasal sa lahat ng misang ginaganap sa SIMBAHAN partikular na sa salmong tugunan.

Sa kasalukuyan ay wala ng ibang pinanghahawakan pang iba ang ating mga kababayan kundi pananalig at pagtitiwala sa Poong Maykapal.

Sa Panginoon na lang din sila humuhugot ng lakas at pag-asang makaahon sa anumang hirap na kanilang dinadanas.

Sana ay tugunan naman sana ng Diyos ang lahat ng kanilang pagsusumamo.

Don’t you worry at huwag mag-alala mga Kapatid… “If government won’t, God will provide.”