Advertisers
Batid natin na ang Pilipinas, ang Mahal natin Bayan ay isang demokratikong bansa. Kapag sinabing demokratiko, nandiyan iyong ang lahat ay malayang makapagpapahayag ng kanilang saloobin o kritiko – kadalasan ang lansangan ang madalas na nagiging lona para sa malayang pagpapahayag ng publiko.
Heto nga, nitong nagdaang linggo ang People Power Monument ang naging sentro ng magkakasunod na malalaking pagtitipon—mula sa kilos-protesta ng White Ribbon rally hanggang sa asembleya ng Iglesia ni Cristo (INC). Sa ganitong mga sitwasyon, kung kailan mataas ang emosyon at libu-libo ang dumaragsang tao, ang kapayapaan ay nakasalalay sa katatagan ng ating kapulisan.
Sa nasaksihan naman natin – sa naganap na back-to-back (B2B) rally nitong Hulyo 5, 7 at 8 na ginanap sa PPM, nararapat lamang na bigyan natin ng isang marangal na saludo ang Quezon City Police District (QCPD), sa ilalim ng matatag at mahusay na pamumuno ni District Director Brigadier General Randy Glenn Silvio.
Hindi madaling trabaho ang pamahalaan ang magkasunod at dambuhalang rally sa isang makasaysayang pero sa gabay at direktiba ni Gen. Silvio, ibinuhos ng QCPD ang lahat ng pagsisikap upang matiyak na ang mga nakiisa sa White Ribbon at INC rallies ay ligtas na nakapagpahayag ng kanilang saloobin, habang pinapanatiling maayos ang daloy ng trapiko sa komunidad.
Sa matagumpay na operasyong ito ng QCPD, ang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa PPM, ay nararapat siguro na malaman ng publiko ang kuwento ng mga sakripisyo ng ating mga kapulisan na madalas na hindi nakikita ng publiko.
Sa gitna ng mahabang oras ng pagbabantay sa ilalim ng sikat ng araw at pabago-bagong panahon, hinarap ng mga tauhan ng QCPD ang gutom at pagliban sa pagkain nang walang anumang pag-aalinlangan. Hindi naging hadlang ang kumakalam na sikmura o ang pagod kung saan, mas naging matimbang ang kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan ang mamamayan.
Nakalulungkot ngang isipin na hindi ito nakita ng marami o naibalita – ang bawat minutong pinalipas nila (kapulisan) nang walang laman ang tiyan ay katumbas ng bawat minutong ligtas at payapa ang mga raliyesta at ang publiko.
Sa halip o ang masaklap – ang madalas na nakitang balita o bininabalita ay nakatutok sa tensyon ng mga protesta, pero ang isa sa masasabing tunay na kuwento rito ay ang kapayapaang napanatili dahil sa disiplina at tiyaga ng mga pulis. Ang ipinamalas nilang maximum tolerance sa kabila ng pisikal na pagod at gutom ay patunay ng isang de-kalibreng serbisyo.
Sa inyong Gen. Silvio at sa buong hanay ng mga opisyal at tauhan ng QCPD, maraming salamat sa inyong walang-pagod na paglilingkod, sa inyong propesyonalismo, at sa inyong hindi matatawarang sakripisyo upang panatilihing ligtas ang Quezon City. Ang inyong magkasunod na tagumpay sa People Power Monument ay isang ehemplo ng tunay na malasakit sa bayan. Isang snapy salute sa inyo!
Proud to be QCPD!