Advertisers
NAKUHANAN ng video ang dalawang lalaking nagpanggap na buyer nang ta-ngayin ang mga cellphone at pera ng isang online seller na nagkakahalaga ng P165K sa isang “meet up” sa Taguig City.
Nangyari ang insidente sa Barangay North Signal, Ta-guig City, Miyerkules ng gabi.
Sa viral video, makikitang habang nakikipag-usap ang mga lalaki sa biktima, bumunot ng baril ang isa sa kanila at hinablot ang bag na naglalaman ng mga gamit at agad tumakas sakay ng motorsiklo.
Ayon sa 21-anyos na biktima, isinama niya ang kani-yang kaibigan sa meet up, na makikitang may hawak na bag sa video.
Laman ng bag ang apat na cellphones na nagkakahalaga ng P140,000 at cash na umaabot sa P25,000.
Ayon sa biktima, balak nila kumain muna habang hinihintay ang katransak-syon nang sumulpot ang da-lawang lalaki at nagdeklara ng holdap.
Sa ulat, ikalawang meet up location na ito ng mga biktima matapos umuwi muna sila sa unang lugar dahil inakala nilang “pinag-titripan” sila ng buyers.
Ilang oras matapos iyon, nag-chat ang mga lalaki at nagbigay ng panibagong lokasyon sa transaksyon.
Sa follow-up operation ng mga awtoridad, naaresto Hulyo 4, ang isa sa mga hol-daper na siyang tumutok ng baril.
Patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang isa pa.