Advertisers
ARESTADO na sina Senador Rodante Marcoleta at 2 kapwa akusado matapos maglabas ng warrant of arrest sa kasong plunder ng Sandiganbayan nitong Lunes ng umaga.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, 10:30 ng umaga nang maglabas ng warrant of arrest sa kasong plunder kaugnay ng hindi pagdedeklara ng P75 milyong donasyon sa nakaraang national at local elections 2025 laban kina Marcoleta at tatlong co-accused na sina dating Anak Kalusugan party-list Representative Mike Defensor at mga negosyanteng Joseph Espirutu at Aristole Viray.
Sa ilalim ng Anti-Plunder Act, maaaring kasuhan ang isang public official kung mapatutunayang nakaipon ito ng hindi bababa sa P50 mil-yon na umano’y ill-gotten wealth.
Sinabi ni Remulla na ina-resto si Marcoleta ng mga elemento ng PNP-CIDG nang matungo ito sa Sandiganba-yan para mag-file ng motion to quash pero kaagad binasura ng graft-court, at ni-lockdown ang Sandiganbayan at hindi na pinalabas si Marcoleta.
Sinabi ni Associate Justice Karl Miranda na ibinasura ang mga mosyon matapos matukoy ng korte na may ‘probable cause’ sa kasong plunder.
Ikukulong ang mga respondent sa Quezon City Jail sa Payatas, kungsaan kasalukuyang nakakulong sina Senator Jinggoy Estrada at ex-Senator Ramon Bong Revilla, Jr.
Binigyan din ng korte ang prosekusyon ng tatlong araw para magsumite ng komento sa mga mosyon nina Marcoleta, Defensor, at Espiritu, na humihiling na ibasura ang ‘information’ na nagsasakdal sa kanila ng plunder.
“Alam kong unang tanong niyo was he arrested or did he surrender? It was both. He went there voluntarily sa Sandiganbayan to file a motion to quash. Subsequently when it was denied we closed down the building, we arrived and we arrested him so it is both,” pahayag ni Remulla.
Dinala si Marcoleta sa Camp Crame para sumailalim sa booking procedure bago ili-pat sa Payatas City Jail.
“He is now undergoing medical procedures, 72 na po si Sen. Marcoleta, hindi lang po simple blood pressure at heart beat ang kailangan gawin sa kanya. Marami pa po siyang test na pagdadaanan katulad ng mga ECG at iba pa para sigurado ang kanyang fitness. Hindi namin alam kung kailan matatapos ‘yun but hopefully within the next 2 days tapos na ang lahat ang kanyang examination para sa full health na ire-report namin sa Sandiganbayan. Bigyan ninyo kami ng oras para makuha ang full picture ng kanyang kalusugan,” pahayag ni Remulla.
“Yung mugshot inilabas na. I must remind everyone we are not here to humiliate anyone. Kung anuman ang kanyang kalagayan sa kanyang buhok ay hindi ho namin wawalanghiyain. His picture will be taken as he appears in public,” ani ni Remulla.
Kaugnay nito, sinabi ni Remulla na sina Mike Defensor at Joseph Espiritu ay ina-resto ng mga elemento ng CIDG habang nagkakape sa Starbucks sa Quezon City.
Dinala sina Defensor at Espiritu sa CIDG sa Camp Crame, at sumailalim sa booking procedure bago ilipat sa Payatas City Jail.
Patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation ng mga otoridad laban kay Viray.
Iginiit naman ni Atty. Patrick Velez, ang abogado ni Marcoleta, na boluntaryong sumuko si Marcoleta nang maglabas ng warrant of arrest kaugnay ng kasong plunder, at hindi inaresto ng mga awtoridad.
Pero sinabi ni PNP Chief, General Jose Melencio Nartatez, na inaresto si Marcoleta, ‘di sumuko.
(Mark Obleada)