Advertisers

Advertisers

Pulis na humoldap-patay sa bagitong kabaro sumuko

0 3

Advertisers

SUMUKO na ang isang PNP officer habang arestado ang isang sibilyan na kapwa sangkot sa pagpatay at pagtangay ng perang ni-loan ng isang bagitong pulis sa Barangay Tikwas, Dumalinao, Zamboanga del Sur.
Sa kanyang pagsuko, itinurn-over din ng PNP officer, may ranggong Staff Sergeant at nakatalaga sa Margosatubig Municipal Police Station (MPS), ang kaniyang service firearm at motorsiklo na ginamit sa krimen.
Napilitang sumuko ang parak nang mabistong may kinalaman siya sa robbery-slay sa kapwa pulis at sa pagpaplano ng krimen. Nasakote rin ang gunman na inutusan nito sa Brgy. Poblacion, Margosatubig noong Hulyo 2 ng gabi at nabawi ang 9mm pistol ng pinaslang na parak.
Ang biktimang si Patrolman Armejo Jornadal, miyembro ng 2nd Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company (PMFC), ay dead-on-the-spot nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa nasabing lugar Hulyo 1. Ang salarin na pulis ang nagsilbing driver ng motorsiklo.
Sa ulat, lulan ang biktima ng motorsiklo galing sa Pagadian City dala ang P214,000 na ni-loan nito sa AFPSLAZ nang sundan ng riding-in-tandem, at pagsapit sa Brgy. Tikwas, Dumalinao ay saka siya pinagbabaril.
Bukod sa perang ni-loan ng bagitong parak, tinangay rin ng mga salarin ang service firearm nito na isang 9mm pistol bago tumakas sa crime scene.
Natukoy ang mga salarin sa isinagawang backtracking sa CCTV footage sa motorsiklong sinakyan ng riding-in-tandem.