Advertisers

Advertisers

Kostumer, tindera naospital sa bottled water

0 3

Advertisers

NAOSPITAL ang isang kostumer at isang tindera nang makainom ng kontaminadong bottled mineral water na binili sa isang sari-sari store sa Barangay San Isidro, Antipolo City, Rizal.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, unang nakatikim ng tubig ang kostumer nguni’t agad nitong napansin ang kakaibang lasa at mabahong amoy kaya isinumbong ito sa may-ari ng tindahan.
Tinikman din ng tindera ang laman ng bote upang beripikahin ang reklamo, at nakaranas siya ng matinding hapdi sa bibig, hirap sa pag-hinga, at paso sa labi at dila, habang nakaramdam din ng masamang epekto ang kostumer.
Kapwa sila isinugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center para sa aga-rang gamutan.
Kinuha na ng pulisya ang bottled mineral water bilang ebidensiya at isasailalim ito sa laboratory examination upang matukoy kung ano ang sanhi ng kontaminasyon.
Inimbitahan narin ng mga awtoridad ang awtorisadong kinatawan ng manufacturer bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon.