Advertisers

Advertisers

PNP handa sa pagsisilbi ng arrest warrant vs Marcoleta

0 3

Advertisers

Handa ang Philippine National Police (PNP) na ipa-tupad ang anumang arrest warrant na ilalabas ng korte laban kay Senador Rodante Marcoleta.
“We follow systems and protocols in our operations,” sinabi ni PNP public information chief Col. Allen Rae Co nitong Biyernes, Hulyo 3.
“The PNP stands ready to execute any lawful order from the court,” dagdag pa niya.
Nitong Biyernes ng umaga, naghain ang Office of the Ombudsman ng reklamong plunder laban kay Marcoleta, dating Anakalusugan Rep. Mike Defensor at mga donor na sina Aristotle Viray at Joseph Espiritu sa Sandiganba-yan.
Nag-ugat ang kaso sa P75 milyong donasyon ng tatlo para kay Marcoleta nang ito ay congressman pa, bago tumakbo bilang senador noong 2025.
“We will be coordinating if ever this will be done inside the Senate with the Senate leadership,” paliwanag ni Co.
Kung matatandaan, inaresto rin ng PNP si Senador Jinggoy Estrada noong Hunyo dahil sa plunder, at nagkaroon pa ng tensyon nang pigilan ni dating Senate President Alan Peter Cayetano ang pag-aresto kay Estrada sa loob ng bisinidad ng Senado.
Ayon sa source, maaring maglabas agad ng arrest warrant ang Sandiganbayan dahil manipis lang naman mga dokumentong babasahin nito.