Advertisers
PARANG wala umanong gobyerno sa silangan ng Oriental Mindoro dahil bukod sa talamak ang operasyon ng jueteng ay namamayagpag at nananatiling buhay gabi-gabi ang lantarang operasyon ng iligal na sugal tulad ng ‘color games at drop ball baraha’ na ang front ay tradisyunal na Peryahan na naging ugat ng lumalalang insidente ng iba’t ibang kriminalidad.
Nandyan ang talamak na sugal nakawan holdapan patayan at drug problem sa nasabing bayan ay sanhi ng hindi pagkilos nina Oriental Mindoro Provincial Director PCol Edison Revita at PRO MIMAROPA Regional Director PBGen Christopher Dela Cruz laban sa mga salot na sugal, kaya ang peace and order ay apektado.
Ayon sa reklamo matagal ng tapos ang kapistahan sa ibang bayan at foundation day ng lalawigan subalit patuloy pa ring kinu-kunsinti ng lokal na kapulisan at LGUs ang gabi-gabing sugal sa Peryahan na matatagpuan sa mga bayan ng Pola, Pinamalayan, Bulalacao, Bongabong, Mansalay, Roxas, Socorro, Bansud, Victoria, Naujan, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Gloria at Calapan, Oriental Mindoro.
Sinabi ng mga nagrereklamo imbes na ilayo umano ng mga nabanggit na opisyal ng kapulisan sa bisyo ang mamamayan ay mistulang kinukunsinti pa umano ng mga ito ang iligal at hindi ang kapakanan ng mamamayan.
Duda tuloy ng mga residente na may kapalit na halaga kaya nagbulag-bulagan at nananahimik ang mga opisyal ng kapulisan sa kanilang reklamo.
“Hindi lang dalawa kundi sampung beses na kaming tumatawag sa mga police station pero never nilang inaksyunan ang aming reklamo.” – sabi ng isang texter
Para sa kaalalam ng mga nabanggit na opisyal ng kapulisan na mahigpit na ipinagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno, LGUs at pulis, na tumanggap ng pabor (financial favor/payola) mula sa mga ilegalista partikular sa mga gambling operators/lord.
Maaaring masampahan ng reklamong administratibo ang LGUs sa Ombudsman o sa DILG sa pamamagitan ng paghahain ng kasong dereliction of duty o conduct prejudicial to the best interest of the service kapag napatunayan nagpabaya at kinukunsinti nito ang iligal na sugal.
Ayon sa batas, ang mga lokal na punong ehekutibo ay may mandato na ipatigil ang illegal na sugal at mahigpit ding ipinagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno ang pagsusugal at pagprotekta.
Samantala sina alyas Manalo, Raymond at Nonoy ang umanoy tumatayong mga “money maker” o taga gawa ng pera para sa mga opisyal ng PPO, SOG, S2, R2 at CIDG RFU.
Ayon sa insider ng BALYADOR, tuloy ang pangongolekta ng “goodwill” at “weekly payola” ng mga nabanggit na kolektong sa mga bigtime na operator ng Pergalan (Perya-sugalan) sa lalawigan ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor gamit umano ang pangalan nina Gen. Dela Cruz at Col Revita?
Sinabi ng impormante na “style” ng mga kolektong ay huhulihin muna ang mga pasugalan bago tatarahan ng lingguhan at goodwill. Tsk.tsk.tsk…
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang tugon ang mga nabanggit na opisyal ng kapulisan hingil dto?
May follow up pa!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09368625001/09397177977 o di kaya mag email balyador69@gmail.com