Advertisers

Advertisers

Titser pinasabog ang bungo sa gilid ng highway

0 2

Advertisers

Nasawi ang isa na namang guro nang barilin sa ulo ng .45 caliber pistol ng isang lalaki na mabilis na nakatakas sa Bangsamoro region, Huwebes ng gabi, July 2.
Kinilala ang biktima na si Evangeline Pantorilla Abdullah, may asawa at mga anak, at residente ng Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat.
Sa ulat nitong Biyernes ni Capt. Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nakatayo lang sa gilid ng highway ang biktima sa Sitio Kurbada, Barangay Awang nang lapitan ng isang lalaki at binaril sa ulo. Patay agad ang biktima.
Ang walang awang pagpaslang ay kasunod ng pagkasawi ni public school teacher Hapipa Saripada Macadato sa isang ambush sa Barangay Lamin sa Malabang sa Lanao del Sur nito lang Sabado, June 27.
Agad na namatay sa mga tama ng mga bala si Macadato habang sakay ng tricycle na nakabuntot sa isang pick-up truck na parehong niratrat ng assault rifles ng armadong grupo na noon ay nakaabang sa kanila sa naturang lugar.
. Isang sundalong sakay ng pick-up truck, si Army Cpl. Jayson Castro ng 64th Infantry Battalion, ang nasawi din sa insidente.
Ang mga probinsya ng Maguindanao del Norte, kung saan napatay si Abdullah, at ang Lanao del Sur, kung saan nasawi sa ambush si Macadato ay nasa teritoryo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, mas kilala bilang BARMM.