Advertisers

Advertisers

Parak sibak sa pinag-initang rider sa INC rally

0 2

Advertisers

Inalis sa pwesto ang isang pulis sa bigong pagprotekta sa motorcycle rider na hinarang ng mga lumahok sa rally na pinangunahan ng Iglesia ni Cristo (INC).
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) public information chief Col. Allen Rae Co na ang patrolman na nakatalaga sa Quezon City Police District Mobile Force Battalion (QCPD MFB), ay inilagay sa Personnel Holding and Accounting Section (PHAS).
Ang PHAS ay holding unit para sa mga pulis na inalis sa pwesto o naghihintay ng bagong assignment.
Matatandaan na nag-viral ang video kung saan walang ginawa ang pulis sa kabila ng pagkuyog at pangha-harass na ginagawa ng ilang mga lumahok sa rally laban sa rider.
Sinigawan, pinagbantaan at inagawan pa ng susi ang natu-rang rider.
Nitong Huwebes, binatikos ni Senador Raffy Tulfo ang pulis at sinabing dapat ay sumailalim ulit ito sa training.