Advertisers

Advertisers

PRIDE Month ipinagdiwang sa Las Piñas

0 10

Advertisers

Bagama’t lumipas na ang buwan ng Hunyo, nananatili ang diwa ng PRIDE sa mga Las Piñeros sa pamumono ng Villar Foundation bilang pagdiriwang ng pagmamahal, paggalang, pagkakapantay-pantay, at pagtanggap, nadapat isabuhay sa bawat araw.

Dalawampung barangay ng Las Piñas ang nakiisa sa Pride parade at sa taunang Bb. Bahaghari Awards na ginanap nitong July 4 sa Villar Foundation Complex.

Kasama ding binigyan ng parangal ang mga natatanging miyembro ng LGBTQIA+ ng Las Piñas na nagbigay ng kontribusyon sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa taunang PRIDE AWARDS na dinaluhan ni dating Senador Cynthia Villar, Senator Camille Villar at Senator Mark Villar.

Nagwagi naman sa Bb. Bahaghari Queen Honey Manzano, ng (Brgy Ilaya), 1st runner-up Francine Erich Arcilla (Brgy. Talon 4), at 2nd runner-up Jang Lupangco (Brgy. Manuyo Dos.