Advertisers

Advertisers

Lider ng BIFF tigok sa engkuentro

0 3

Advertisers

NASAWI ang isang mataas na lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter-Burgos Faction sa engkuentro sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang napatay na li-der na si Esmael Abubakar alias “Bungos”, chairman ng BIFF-Bungos Faction.
Ayon kay Lt Genl Donald M. Gumiran, kumander ng Western Mindanao Command, 2:00 ng madaling araw nang magsagawa ng opera-syon ang pinagsanib naa elemento ng 601st Infantry Brigade sa ilalim ng 6th Infantry (Kampilan) Division/Joint Task Force Central at Maguindanao del Sur Police Provincial Office (PPO) sa Barangay Calsada, Sultan Kudarat.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng multiple warrants of arrest sa kasong Murder, Multiple Attempted Murder, Multiple Frustrated Murder, at Destructive Arson na ipinalbas ng korte laban sa suspek.
Si Abubakar ay dating Vice Chairman for Political Affairs ng BIFF-BIFM sa ila-lim ni Ameril Umbra Kato bago bumuo ng sarili niyang BIFF-BURGOS Faction.
Itinuring na high value target ng Western Mindanao Command si Abubakar nang pangunahan ang iba’t ibang pag-atake, pananambang, at iba pang mararahas na insidente laban sa mga pwersa ng pamahalaan.
Ang matagumpay na ope-rasyon laban kay Abubaka ay sanhi ng matatag na kooperasyon sa pagitan ng AFP at Philippine National police at pakikipagtulugan sa komunidad sa pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan.(Mark Oblaeada)