Advertisers

Advertisers

DSWD SEC. GATCHALIAN LUSOT NA SA MAKAPANGYARING CA

0 95

Advertisers

Lumusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian.

Sa pagsalang ni Gatchalian sa pagbusisi ng makapangyarihang CA, sinabi ng Kalihim na mas sesentro ang ahensya sa mga development programs na layong buwagin ang ‘cycle’ ng kahirapan.

Partikular na palalakasin ng DSWD ang 4Ps at mga livelihood programs sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP), at KALAHI-CIDDS nang sa gayon ay matiyak na hindi na babalik sa kahirapan ang mga natutulungang beneficiaries.



Iginiit ni Secretary Gatchalian na mag-i-invest din aniya ang ahensya sa mga programa para sa human capital, pagwawakas sa kagutuman, pagpapanumbalik ng dignidad sa social welfare at pag-digitalize sa mga proseso sa aplikasyon at pagkuha ng mga benepisyo.

Sinabi pa ng kalihim na ipagpapatuloy din ng DSWD ang social protection programs at palalawakin din ang mga programa para mas makahikayat ng maraming social workers.



Nabusisi naman si Gatchalian ng mga myembro ng CA patungkol sa mga policy programs at reforms ng DSWD, ang status sa kaso nito sa Ombudsman tungkol sa housing cooperatives noong siya ay alkalde pa ng Valenzuela, iba pang plano ng ahensya at ang pagiging eligible bachelor nito. (CESAR MORALES)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">