Advertisers

Advertisers

Taiwanese na scammer, timbog

0 127

Advertisers

Timbog ang isang Taiwanese national na wanted sa kaniyang bansa dahil sa panggagantso, sa isang operasyon sa condominium building sa Ermita, Maynila kamakailan.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang suspek na si Yin Chih Chou, 40 taong gulang, na nadakip nitong Mayo 11 sa tinutuluyang condominium nit sa Adriatico, Ermita.

Ayon sa BI, inaresto ang dayuhan sa bisa ng mission order makaraang hilingin ng gobyerno ng Taiwan. Agad siyang ipadedeport dahil sa overstaying at pagiging undocumented alien makaraang kanselahin ng Taiwan ang kaniyang pasaporte.



Sangkot umano sa isang scam sa Taiwan si Chou na tumangay ng malaking halaga ng salapi sa kaniiyang mga biktima. Nag-aalok umano ng mga ‘fine goods at luxury items’ sa murang halaga si Chou at tatanggapin ang pera ng kaniyang mga biktima gamit ang mga dummy accounts na kaniyang ibinubulsa.

Sa Makati City, nadakip sa may central business district nitong Mayo 10 ang 30-taong gulang na Chinese national na na si Zheng Zongyi, dahil sa overstaying at iligal na pagtatrabaho sa bansa.



Noon pang 2021 nasa wanted list ng BI si Zheng makaraang hindi na umalis ng bansa simula nang dumating siya dito noong Nobyembre 22, 2019.

Parehong nakaditine na sa BI Detention Facility ang dalawa habang hinihintay ang kanilang deportasyon. Nakatakda rin silang ilagay sa blacklist ng BI upang hindi na makapasok muli ng Pilipinas. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">